376 - Sa Dagat na Malawak

Sa dagat na malawak
Na aking nilalayag
Along nangamamalas
Ako ay hinahamak;
Jesus na mapagliyag
Tulong Mo ay igawad.

Hangin ay patigilin,
Alon ay pahupain,
Dagat ay payapain,
Nang ako'y makarating,
At sa Iyo'y mapiling,
Jesus na maawain.

Kung sa along mabangis
Ako ay makatawid,
Sa pampang ay sumapit,
Kamay Mong matangkilik
Sa akin ay ilawit
At sa langit ipanhik.

0:00 0:00